Salt Lake sa Enchanted Kingdom
May 25, 2008 (ito nangyari… pero May 31 na ngayon)
After ng mahabang shift, nagpunta kami sa EK. hehehe! in fairness, walang tulugan ito. Pagkatapos makipag-usap sa mga nanggagalaiting customer, hayun, diretso na agad sa Laguna. Ciempre, pagdating doon, mega picture ang lola mo, feeling turista at parang ngayon lang nakarating sa EK. Kumain muna ang team sa Domino’s (tingnan mo nga naman, may Domino’s Pizza pa pala, pagkakaalam ko kasi wala na sila as in bankrupt na). Busog to the nth level kami. Thank you Parlance for the team fund!
First stop, flying fiesta. Wew, kumusta naman. mahilo hilo ako sa ride na yun. Pagkakatanda ko, sinakyan ko na yun nung elementary ako. Dati naman keri lang, but no! Talagang parang nakakita ako ng stars. Mega picture ulet.
AFTER
And after that, rio grande rapids ata yun. Dumami ata ako dun dahil basang basa ako after. Kahit anong iwas, wala kang kawala. Pero in fairness, di siya nakakatakot. Pwere na lang kung takot ka sa tubig (meow!). Unfortunately, wala kaming picture dito. Kasi naman, overpricing ang picture. Kaya kahit na gustong-gusto ko, noooooo….
Ang mga matatapang na Salt Lakers, sumakay ng Anchors Away. I’m so sorry, I apologize, di ko talaga kinaya kaya nagpicture na lang ako sa kanila. Maybe in the future, masasakyan ko rinĀ yan.
After nito, jungle log naman. Ang tapang ko talaga (or should I say ang TANGA ko talaga!) Aba malay ko ba namang pagkataas-taas nito. Pag tiningnan mo kasi, parang keri lang. But wait, there’s more! Akala ko talaga huling araw ko na sa mundo. Thank you Lord, di mo ako pinabayaan. At mabuti na lang nagpicture si Bie, dahil ang mga taga-EK, grabe sa pricing. Kahit na gustong gusto ko pa, nooooo….
Naturete ata utak ko after ng ride na to… kaya naglibot libot nanaman kami na parang turista. And I’ve decided! Bibili ako ng pasalubong. Right there and then, lumabas kami at pumunta sa ATM. Habang nagwiwithdraw ako, “Goodbye Ninoy, goodbye Manuel Roxas…” Pero ok lang, marami naman akong nabili. Kahit na ang katumbas nun, di na naman ako kakain ng isang linggo. Waaaaa!!!!!!!
Last stop, ferris wheel. Nakupo, napakataas, pero ciempre, kunwari ang tapang ko nanaman. Sige lang, picture lang, tapos biglang gagalaw ang ferris wheel (nyay!). Deadma, kunwari di natatakot. Picture pa. Sabay napatingin sa baba, my garr… Pag nahulog ako dito, I’m sure di ako makikilala. Daig ko pa yung chopchop lady. Mabuti na lang, natapos ang ride ng walang nangyari sa akin.
Ciempre, dahil dito sumikat ang EK, hinintay na namin yung fireworks. Chaka nga eh, wala man lang announcement na “Oy mga bakla magstart na ang fireworks!” Bigla na lang lumipad sa ere. At habang video ako ng video, si ate, humarang sa harapan ko, gusto niya, videohan siya ni kuya na ang background niya ay yung fireworks. Wew, laking balakid. Parang siya ang nagmamay-ari ng fireworks. Pero sige lang, go lang ng go. Polite naman akong nag-excuse me. Kahit na may bahid ng panggagalaiti yun.
May 31, 2008







